Monday, November 06, 2006
ang aming undas
October 31, naghalfday na ako sa skul para samahan sa sementeryo sina kapatid at mga pamangkin na ikabit ang dalawang tent na inabot ng isa't kalahating oras sa pag-aasemble dahil nagkahalo-halo ang mga rod at na-erase na mga numbers, buti na lang accurate pa ang aking measurements na nagmistula akong foreman sa pagmamando. Sumunod ay ang pag-lettering ng lapida nina tatay at mga kapatid, o di ba draftsman naman ako dito? After naming maiayos, diretso na kami sa bayan para bumili ng mga kakailanganin para sa undas.

November 1, maaga kaming nagsigising para mag-prepare ng mga dadalahin sa sementeryo at makaiwas na rin sa sobrang traffic. Nakita ko sa isang sulok ng aming bahay ang ganito, nakasanayan na kasi namin na tuwing ala-sais ng umaga at hapon nagsisindi na ang aking inay ng mga kandila para sa mga kaluluwa.

Isa-isa ko ng inayos ang aming mga dapat dalahin:

i-click lang ang picture

          

Pasado alas-siyete nagpunta na kami with my pamangkins sa sementeryo at agad nag-alay ng dasal para sa kaluluwa ni tatay at nina kapatid.
 
posted by tekla at 2:46 PM | Permalink |


19 Comments:


  • At 9:24 AM, Blogger rHo

    parang ang ganda-ganda nung sementeryo! parang ang aliwalas at ang luwang-luwang, may banig pa kayong dala ha! hehehe...

    ang sarap ng mga dala nyong pagkain! hmmmm.... yummyyy!! belated happy undas te! mwuahuggz!

     
  • At 9:45 AM, Blogger tekla

    sa eternal memorial garden yun, oki pa nga sa part nmin maluwag pa tlga kasi medyo unahan kami pero sa bandang back at both sides crowded na rin.

    maghapon kasi sa cemetery kaya dnamihan na ang pagkain..parang picnic nga hehehe

     
  • At 10:30 AM, Blogger tutubing_karayom

    tama nga maluwag pa jan, i remember kc samin dati, pag dumadalaw kami sa mga nag eternal rest na naming kamag anak, medyo masikip narin tlga, at sa kasamaang palad pagkatapos malahar ng aming bayan, e nagkawalaan na ng mga puntod.. heheh kaya after nun sa bahay nalang usually kami ang pe-pray!!

     
  • At 11:57 AM, Blogger kiPaY(^_^)

    ang sarap nung mga kakanin...samantalang kami bigay lang ng kapitbahay..hehe..sinokmani..hmm..talaps!...

     
  • At 12:07 PM, Anonymous melai

    kamamatay lang pala ng kapatid mo :(

    kami man gawain namin yung magsindi ng kandila tapos pag hindi naubos hanggang kinabukasan sinisindihan ulet namin

     
  • At 12:43 PM, Blogger Bryan Anthony the First

    musta nama jan?

     
  • At 12:45 PM, Blogger tekla

    tikey:
    dati kc sa roman catholic dun siksikan tlga. pero ipinalipat na nmin lahat sa eternal para sama-sama sila at iisa na lng yung pupuntahan namin kpag undas.

     
  • At 12:46 PM, Blogger tekla

    kepyang:
    nag-order kasi yung kapatid ko sa aming kapitbahay kya completo sa kakanin hehehe

     
  • At 12:48 PM, Blogger tekla

    melai:
    naka-one year sa si kapatid last august. bata pa nga ng kunin ni lord.

     
  • At 12:50 PM, Blogger tekla

    bryan:
    hello po. oki nmn ako cute pa rin hehehe :)

     
  • At 1:10 PM, Anonymous kneeko

    nangangaliwa ka maam? este kaliwete ka pala hehehe...

    dami na pala pamanagkins mo..kaw kelan naman kaya magkakaroon hehhe

    penge ng kakanin.. kakagutom ah

     
  • At 3:57 PM, Blogger nona

    mam, meron bang kutsinta? may niyog? ^_^

     
  • At 10:06 AM, Blogger tekla

    kneeko:
    opo kaliwete ako na hindi nangangaliwa hehehe...

    a total of 9 ang aking pamangkin ayaw lng magpapicture hindi daw sila artistahin nyahaha

     
  • At 10:07 AM, Blogger tekla

    nona:
    ala po kutsinta ndi kmi nakapagpagawa... peromay niyog para sa sinokmani :)

     
  • At 12:54 PM, Blogger Ann

    Time rin ng family reunion ang undas eh no?

    Sarap naman ng mga kakanin na yan.

     
  • At 4:58 PM, Anonymous melai

    ilang taon sis?

     
  • At 8:31 PM, Blogger racky

    sarap ng mga kakain ah! kahit nagpakasawa ako noong bakasyon, basta makakita uli ... naglalaway na naman :D

    sori titser, buti na lang di ako na-expelled (tama ba?) dito, tagal kong di pumasok ... babagsak kaya ako? make-up ... make-up na lang ;)

     
  • At 5:04 PM, Anonymous inkee

    hi.hiya ako eh. ^_^

     
  • At 8:02 AM, Blogger nona

    mam...question pow...ano ga ang sinokmani? saan lupalop ba ako? bakit di ko alam 'yan?