Halos lahat ng aking bibigyan sa pasko ay may gift na, mga inaanak ko sa binyag, mga pamangkin at mga espesyal na taong malalapit sa aking puso :) Kahit hindi pa naibibigay ang aming 13th month pay (baket nga ba
clown wala pa eh pasko na!) pinag-ipunan ko na talaga ang mga ito. Isa na lang ang hindi ko pa nabibilhan at iyun ay ang aking sarili. Opo, nakalimutan ko yata na pa-bertdeyan ang aking sarili at gusto kong ihabol sa pasko. Di ba hindi pa naman huli ang lahat nyahaha.
Marami ang nagtatanong sa akin kung ano ang gusto kong pa-bertdey at ang lagi kong sagot ay
"kahit na ano" o dili kaya ay
"bahala na kayo". Pero ngayung pasko at alam kong gift giving naman at gusto ng lahat ay makapagbigay sa kapwa so sasabihin ko na ang gusto ng aking puso at katawan. Makinig bestfriend at mga ninang at ninong sa blog eto na po ang aking listahan:
1: Matagal ko ng ninanais na magkaroon ng ipod at mp4 kaya lang masyadong mahal at hindi pa kaya ng aking budget na kahit yata mag-sale ng 3x eh still can't afford pa rin. Kaya dun sa mga magbibigay oki na sa akin ang
mp3 kahit 256MB lang pero kung generous ka naman gawin mo ng gigabytes nyahahaha.
2: Maloka-loka ako sa digicam kaya everytime na tatawag si ate at si utoy kinukulit ko sila pero 'til now parang drawing na yata ang digicam ko huhuhuhu! Since meron na ako
nito at
ito, celfone na may cam na lang kaya ang hingin ko para mapalitan na rin ang aking N3310.
3: Baka sabihin nyo naman masyado akong materialistic, pwede naman ang t-shirt na lang sa american boulevard at artwork at isang pants sa guess...bilisan nyo lang at baka maubos na ang sale nila.
4: Pero super saya ko na din kung makakatanggap ako ng chocolatessssss na cadbury, at sa mga magbibigay ito lang ang aking masasabi ang
sweet sweet nyo naman :)Sa mga nag-aabang ng piktyur ng aming xmas outing na tulad ni
rho eto ang ilang shots
uno,
dos,
tres --- SMILE!
waaahhhh! bakit di mo ko tinabunan ng buhangin para di nila makita ang layers na tinatago ko huhuhu!
ayan rho, kita mo na ang laki ng katawan at braso ko ngayon, start na kong mag diet huhuhu...maski mahirap para mabalik sa 24 este 27 ang waist line ko.